Skip to main content

Sigarilyo

Paupos ang sigarilyo,
Paa'y nakadekuwatro
Sa upuang waring gawa sa pawis at putik.

Paupos ang sigarilyo,
Mata'y nakapikit, walang takip,
Sadyang gusto lang at pilit.

Paupos na ang sigarilyo,
Paa'y nakadekuwatro,
Mata'y pikit at pilit,
Sa upuang pawis at putik.

Comments

Popular posts from this blog

Dilim

Noong ang mga bituin ay aliptaptap pa lamang sa paligid ng buwan Buwang labis ang siyang pagkukubli sa liwanag Liwanag sa aking mata'y humalik, bumulong, nais magpaliwanag Magpaliwanag kung bakit mayroong maitim na ulap Ulap na kinain ang buwan at mga tala Talang wala na sa paningin ng namumunti kong mga mata Mata ng anghel na naimulat sa dilim Dilim, dilim, sa dilim. Itim, hindi puti, at sa mataimtim na gabi sa bibig ko'y namumutawi Ang sikip, ang init, walang hangin, puro pasakit Hagikhik ng mga daga, palaka, tubig sa estero, at ilan pang hindi maibanggit Itim, hindi puti, at sa plastik na nakabalot sa munti kong katawang ikinamuhi Nagpakasarap ka sa gabi ni di man lang inisip ang mangyayari Isang gabi ng kasiyahan, siyam na buwang pighati Ako'y punla ng inyong walang katapusang pagmamahalan, ngunit bakit ako'y nakaukit Bilang pasakit, pasakit, pasakit. Dugo't laman mo ako, pero basura ang turing mo Basura na sa paglipas ng taon ay kukupas, pag...