Skip to main content

Kung Lalaki lang ang mga Babae












Kung lalaki lang ang mga babae
Kahit isang sandali lang sana mangyari
Kung lalaki lang ang mga babae
Nang malaman nila kung paano kiligin ang lalaki
Kiligin sa mga mapasamantalang ngiti
Waring walang kapaguran sa kakatitig
At walang gabi ang pangalan mo'y bukambibig

Kung lalaki lang ang mga babae
Nang malaman nila kung paano magmahal ang lalaki
Kung gaano kakulang ang araw 'pag ika'y di nadaratnan
Kung gaano kabilis ang tibok 'pag ikaw ay naririyan
Kung paano masaktan ang ngiting hindi mapansin-pansin mo
Kung gaano kalaki ang paghangad na maging isang bato
Isang batong tiitisod sa'yo para mapansin at makita
At makita ang nakakahumaling mong pagkairita
Ang maging isang bato na iiyakan mo
Isang bato na makikita mo.

Kung lalaki lang ang mga babae
At nang malaman nila kung gaano kahapdi
Kung gaano kahapdi ang mapasamantalang mong pagbati
Kung gaano napaasa sa bawat nakamamatay mong sulyap
Kung paano umasa sa bawat salita ng pag- uusap
Kung gaano ka kahalaga sa kanyang mga pangarap
Kung gaano ka hinahanap-hanap.

Kung lalaki lang ang mga babae
At nang malamang gagawin ang lahat para maibili
Maibigay ang lahat ng gusto
Yung bilhin mo ako nito, dalhin mo ako doon, samahan mo ako dito
Bibilhin ang kahit ano pati na rin ang kalawakan at mundo
Maliban ang hinahangad na puso mo

Kung lalaki lang ang mga babae
Nang malaman nila ang labis na pagkauhaw
Pagkauhaw sa isang baso ng pagmamahal
Kung gaano kahirap ang matunaw sa araw
Kung paano hinayaan ang sariling manigas sa ginaw
Kung lalaki lang ang mga babae
At nang malaman kung gaano nauuhaw
Sa isang patak mula sa baso ng pagmamahal

Comments

Popular posts from this blog

Dilim

Noong ang mga bituin ay aliptaptap pa lamang sa paligid ng buwan Buwang labis ang siyang pagkukubli sa liwanag Liwanag sa aking mata'y humalik, bumulong, nais magpaliwanag Magpaliwanag kung bakit mayroong maitim na ulap Ulap na kinain ang buwan at mga tala Talang wala na sa paningin ng namumunti kong mga mata Mata ng anghel na naimulat sa dilim Dilim, dilim, sa dilim. Itim, hindi puti, at sa mataimtim na gabi sa bibig ko'y namumutawi Ang sikip, ang init, walang hangin, puro pasakit Hagikhik ng mga daga, palaka, tubig sa estero, at ilan pang hindi maibanggit Itim, hindi puti, at sa plastik na nakabalot sa munti kong katawang ikinamuhi Nagpakasarap ka sa gabi ni di man lang inisip ang mangyayari Isang gabi ng kasiyahan, siyam na buwang pighati Ako'y punla ng inyong walang katapusang pagmamahalan, ngunit bakit ako'y nakaukit Bilang pasakit, pasakit, pasakit. Dugo't laman mo ako, pero basura ang turing mo Basura na sa paglipas ng taon ay kukupas, pag...