Skip to main content

Walang Natira Kundi Ako


















Malamig, ang hangin ay parang yelo kung dumampi sa mapuputi kong balat
Nilalamok, pulang-pulang kagat, sa kumot, ako ay sadyang salat,
Pinikit, hinihiling na hindi na muli maimulat,
Ang katahimikan, sa kabilang mundo na lamang ba makikita?

Ka-boom! Ka-boom! Sabog rito, baril doon, sa usok hindi na makita
Hindi na makita kung sino ang mga nasalanta
Gumapang, isang oras akong gumapang
Sa ibabaw ko ang mga balang nagsisiliparan
Mga sundalong panay ang bagsak
Kasabay ng pagtulo ng aking iyak.

Gumapang, isang oras kong hinanap ang aking mga anak
Manipis, naglaho na ang 'di matirikang usok
Ang hindi makitang nasalanta ay nagkalasog-lasog na
Mga anak ko, asawa ko, ina't amang niluto nitong usok
Mga walang hiya, bakit nila ito nagawa?

Kung gusto ninyo ang aming bukirin, kunin ninyo.
Kung gusto ninyo ang isang daang pera namin, kunin ninyo.
Kung gusto ninyo ng mga tagpi-tagpi naming damit, kunin ninyo.
Kung gusto ninyo ng mga alaga naming hayop, hayop kayo, kunin ninyo.

Huwag lang ninyo patayin ang mga anak ko.
Huwag lang ninyong tapunan ng granada ang bahay ko.
Huwag lang ninyong barilin ang mga mahal ko.
Sila ang buhay ko.
Tumigil na po kayo!

Mainit, ang sunog ay parang impyerno kung tuyuin ang luha ko.
Nakadapa, sugat-sugat ang binti't braso ko.
Sa pamilya ko, walang natira kundi ako.
Kundi ako, kundi ako, kundi ako.
Aanhin ko na ang buhay ko?
Walang natira kundi ako.

Ka-boom!
Ka-boom!
Walang natira kundi ako.

Comments

Popular posts from this blog

Dilim

Noong ang mga bituin ay aliptaptap pa lamang sa paligid ng buwan Buwang labis ang siyang pagkukubli sa liwanag Liwanag sa aking mata'y humalik, bumulong, nais magpaliwanag Magpaliwanag kung bakit mayroong maitim na ulap Ulap na kinain ang buwan at mga tala Talang wala na sa paningin ng namumunti kong mga mata Mata ng anghel na naimulat sa dilim Dilim, dilim, sa dilim. Itim, hindi puti, at sa mataimtim na gabi sa bibig ko'y namumutawi Ang sikip, ang init, walang hangin, puro pasakit Hagikhik ng mga daga, palaka, tubig sa estero, at ilan pang hindi maibanggit Itim, hindi puti, at sa plastik na nakabalot sa munti kong katawang ikinamuhi Nagpakasarap ka sa gabi ni di man lang inisip ang mangyayari Isang gabi ng kasiyahan, siyam na buwang pighati Ako'y punla ng inyong walang katapusang pagmamahalan, ngunit bakit ako'y nakaukit Bilang pasakit, pasakit, pasakit. Dugo't laman mo ako, pero basura ang turing mo Basura na sa paglipas ng taon ay kukupas, pag...